Maging Masaya Ka
- Mae Selades
- Oct 13, 2019
- 1 min read
Click link for Audio: https://soundcloud.com/willimaeselades/maging-masaya-ka
Naalala ko noon, noong tayo pa.
Sabi mo, wala kang pipiliin, hindi ako, hindi siya.
Natatakot ka kung mawawala ako o hindi mo maramdaman
Natatakot ka na mawala ako sayo ng tuluyan.
Pero ganun ata talaga siguro, nagbabago ang tao.
Hindi mo magagawa ang mga bagay na hindi mo gusto.
Hind lahat naaayon o mapaninindigan
Hindi mapipilit ang hindi nakalaan.
Kaya kahit masakit, hayaan mo, lalayo na ako.
Wala nang mangungulit, wala nang manggugulo
Sana sa paglayo ko maging masaya kana.
Sabi nga sa kanta, "kung saan ka magiging masaya, kahit hindi ako ang kasama, ihahatid kita"
Tuparin mo ang mga pangarap mo.
Yung pangarap mo para sa magulang mo at para sayo.
Malayo man ako, nasa iyo ang suporta ko.
Nagtitiwala at naniniwala ng buong buo.
Gusto ko sabihing maghihintay ako.
Gusto ko sabihing hindi ako maglalaho
Pero twing lumalayo ka at ramdam ko ang pagbabago mo,
Para mo na ring sinasabing dapat na akong sumuko.
Gusto ko sana lumaban pa,
lumaban para sa ating dalawa.
Pero di pa man nag uumpisa,
Simpleng ako sa iyo? Talong talo na.
Natuturuan naman ang puso diba?
Siguro isang araw makakalimutan din kita.
"Time forgets" favorite piece ko yan ni Yiruma
Sana, kayanin ko rin ng wala ka.
Kaya ikaw, masakit man sa akin, gusto ko. "Maging masaya ka".
Gawin mo yung mga bagay na mararamdaman mong malaya ka.
Hindi ako o ibang tao ang magsasabi sayo,
Dam-damin mo, sundin mo, ang sinasabi ni puso mo.
Wag mo lang sana kalimutan,
na minsan sa buhay mo minahal kita.
Mahal na mahal na mahal..
Sobra pa sa sobra.
Comments