top of page
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Twitter Icon

"Ok Lang Ako"

  • Writer: Mae Selades
    Mae Selades
  • Nov 14, 2017
  • 2 min read

Okay lang ako..

Napakadaling sabihin, napakadaling mag panggap. Masaya ako.. Ikaw masaya kaba? pwera biro? Yung totoo? Sana oo diba?

Pwede bang wala na lang maramdaman? Pwede bang masaya na lang? O baka mas masaya kung pwedeng mag laho na lang..

Sino na ba ako? Kilala ko paba ang sarili ko? Ako pa ba 'to? Wala na ata. Iba na. Totoo nga palang nag babago ang tao.

Mag lilimang taon na.. akala ko ba natuturuan ang puso? Akala ko ba kaya diktahan kung anu dapat nya maramdaman? Ang tagal na.. ang tagal tagal ko nang pinipilit.. ang tagal tagal ko nang pinakikiusapan na buksan ulet at papasukin ang iba, pero wala, hindi lahat ng akala, tama.

Pero syempre dapat okay ka. People are expecting you to be fine. "Kagat lang yan ng langgam" ika nga nila. Kapag pinakita mo kasing hindi ka okay, ang daming tanong, minsan ikaw pa ang mali at sisisihin sa huli. Kapag pinakita mo namang okay ka, iisipin nila na wala nang problema... Kaya mas okay siguro na manahimik ka na lang.

Sa pagkakataong ito sino na ba ang dapat kong sisihin? Sila, siya o ang sarili ko? Wala namang tama, wala namang mali. Sarili ko nalang para wala ng ibang masaktan. Pero isa lang ang alam ko, walang patas sa mundong ito.

Huhusgahan ka ayon sa nakikita nila, tatanggapin ka sa kung anu ang expectation nila sau o kung anu ang gusto nila maging ikaw . Hanggang kailan ba ako makikipagtalo? Hanggang kailan ba ako lalaban? Lumalaban paba ako? May ipinaglalaban paba ako? Gusto ko lang naman maging masaya at maging ako.

Uulitin ko, pwede bang mag laho nalang?

Akala nila wala kang ginagawa, akala nila hindi ka nasasaktan, akala nila wala kang pakialam, akala nila ayos lang sayo ang lahat, akala nila hindi mo sila pinapahalagahan..

Mahirap. Hindi madali makasakit ng mga taong mahalaga sa buhay mo. Eh anu ba dapat piliin mo? Sabi sa isang kanta noong bata ako "Kung anu ang nasa puso mo, sundin mo". Sana ganun kadali.

Mali ba kung minsan na sundin mo ang sarili mo? Piliin kung saan ka magiging masaya? Hindi ba sila pwede maging masaya para sayo? Pagiging selfish ba ang tawag dun? Hindi ka naman nang-aapak ng ibang tao o buhay na sinisira. Pinipili mo lang maging masaya katulad ng pagsuporta mo sa kaligayahan nila. Pero paano yun? kung ang laligayahan nila ay kalungkutan mo? Saklap diba?

Paano ka magiging ikaw? Habang buhay ka na lang ba magtatago? Siguro oo. Puwes ihanda mo ang sarili mo, hindi ka na magiging masaya, ganun ata talaga siguro.

Sana maintindihan ko. Maintindihan ko kung bakit ko kailangan daanin to. Sabi nila, kapag mabigat ang pinagdadaanan, ganun ka Nya pinagkakatiwalaan. Ganun raw kasi ako kalakas, ganun raw kasi ako katapang.

Nananalangin ako at nananalig. Ngunit patawad Ama sa mga pagkakataong gusto ko sumuko. Patong patong at halo halo na. Sana makita ko ulit at maibalik ang ako na nawala, o ang bagong ako na masaya at malaya.

Patawad sa pagiging makasarili.

Oo, ok ako. Im fine.


 
 
 

Opmerkingen


God is too wise to be mistaken
God is too good to be unkind
So when you don't understand
When don't see his plan
When you can't trace his hand
Trust His Heart...
Trust His Heart by Babbie Mason
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Twitter Icon
Never Miss a Post!

We both need to express what we feel..

Let it out and Pray. Everything will be fine. Keep the faith. God loves you!!!

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Twitter Icon

© 2023 by Extreme Blog. Proudly created with Wix.com

bottom of page