Oo ikaw. Makinig ka.
- Mae Selades
- Jul 27, 2017
- 3 min read
Tandang tanda ko yan nung sinabi ni Popoy kay Basha sa palabas nilang "One More Chance". Sino mag aakala na sasabihin mo yan sa sarili mo ngayon. Kainis dba? Gustong gusto mo pero paano? kanino?

Iniwan mo siya, oo iniwan mo siya eh. Kasi kailangan mo eh, akala mo kaya mo, akala mo ito yung gusto mo, kala mo magiging okay ka din, akala mo ito yung tama para sayo. Buwisit na akala yan noh? hindi nagkatotoo.
Sobrang masakit na masaktan mo yung taong mahal mo, pero minsan akala nila sila lang, akala nila hindi ka nasasaktan, naapektuhan. Madaling magpanggap na masaya ka, magpost sa facebook ng mga litratong nakatawa. Ang mahalaga mapaniwala mo silang okay ka. Hindi ibig sabihin na dahil sa walang nangyaring palpak at hindi maganda sa buhay mo, eh masaya at buo ka. Pero ang totoo, ni hindi mo alam kung paano mo ulet bubuuin ang sarili mo. O ito na, kinaya mo naman, at ulet, akala mo ay okay kana. Bakit nung nakita mo siya may kasamang iba, para kang statwa na natulala? Ang ganda ng ngiti nila, yung ngiting alam mong hindi ka na nya kailangan. Yung ngiting okay na siya at masayang wala ka. Oops, pigilan mo luha mo,wala kang karapatan masaktan. Tandaan mo, ikaw ang nang-iwan. Bakit ba naman kasi kailangan mo pa balikan, halatang halata namang hindi ka na nya kailangan. Oo nagparamdam siya, yung tamang paramdam, dapat lumakad ka palayo, takbo! Malayong malayo!

Pero hindi, hindi mo ginawa. Hinayaan mo ang sarili mong maniwala. Maniwala na para bang balang araw magiging bilog ang parisukat. Alam mo nmn yun, yun salitang "asa". Tanga kaba? Nag iisip kaba? Ang tagal tagal na! Gumising kana nga... Akala mo ba pipiliin ka nya? Akala mo ba mapapalitan mo yung isa sa buhay nya? Simula nung nawala ka, wala nang ikaw at siya na.

Sakit noh? sobrang sakit. Tanggapin mo. Kasalanan mo nga diba? Minsan hindi sapat ang mahal lang at maghintay, hindi na uusad kapag isa nalang ang nagmamahal. Akala mo pag pinaalala mo sa kanya mga ala-ala nyo, ma-aantig siya at babalik sayo. Nakalimutan mo na ata, matagal kang nawala, wag ka nang magtaka kung hindi nya na maalala. Tandaan mo, wala nang ikaw at siya na. Ang tanging naaalaa nya, eh yung mga ala-ala nilang dalawa. Ang dami nang nagbago ika nga sa kanta mo, pero bakit yung nararamdman mo hind parin nagbabago. Dina uso ang martyr ngaun, kung dina pareho edi palayain mo. Napakadaling sabihin ang hirap gawin. Pasenxia ka, walang mabibili sa tindahan na gamot para magka-amnesia.

Ang hirap noh? Lalo na pag ikaw ang unang nakasakit. Yung pakiramdam na para bang wala ka dapat karapatan msaktan kasi una kang nanakit. Sinubukan mo, nagmakaawa, na kahit anung pilit mong balik sa kanya at itama lahat nag pagkakamali mo, eh hindi mo na maibabalik. Pede sana kung pipiliin nya, pero sorry ka, nagbago na siya, yung kasabihan bang pagbabago ba para sa ekonomiya. Mapagod kana kasi. Walang bagay na award para sayo. Kung nakablock ka sa bawat pagtawag mo, rejected ang mga calls mo, seen mode ang mga messages mo, ay nako talaga, hindi ka naman bobo. Gising na kasi, nagtutulugtulugan kapa. Alam na alam mo naman kung anu yung tama. Kapag mahal, dapat mpagkatugma ang kilos at salita. Yung mararamdamn mo, walang sabi sabi kahit malayo ka. Naalala mo ba nung kausap mo siya? Pinakita nya pa sayo ung larawan nila hbang nakangiti at nkatawa. Isipin mo ng paulit ulit nang dumikit sa puso mo ang sakit.

Ang dami ko na nasabi at sana kahit isa may nadigest ka. Walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo. Piliin mo maging masaya, deserve mong ngumiti, at magmahal ulit kahit wala siya. Tanggapin mona siguro na sa laban na to, ikaw ang talo. Tandaan mo.... hindi nya na kilala ang salitang "kayo".
Comments