top of page
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Twitter Icon

Simpleng Regalo ko

  • Writer: Mae Selades
    Mae Selades
  • Jul 21, 2017
  • 1 min read

Title: PRE-CHORUS

I

Pilitin ko man hindi alalahanin

Sakit na naidulot ay ramdam parin

Kailan mapapatawad ang aking sarili

Ala-ala mo, bawat sandali'y hirap limutin

Gusto ko mang ibalik

Ngunit ihip ng hangin nag iba

Sinisigaw ng puso mo ay pangalan nya

Pwede bang tayo ulit

Kahit alam kong ako'y masasaktan

Lumalaban, kumakapit ngunit hanggang kailan

Pre-chorus:

Mawala man ako sa iyong paningin

Kasiyahan mo yan aking dalangin

Chorus:

Pag-ibig na karapat dapat na para sayo

Sana'y maibigay, maipadama kahit di ako

Salamat sa oras at panahon

Ala-ala't huling pagkakataon

Masabi kong ika'y mahalaga...

Sa puso ko mahal kita

II

Pilitin ko man muling iyong ibigin

Kahit anung ipilit hindi ako at siya parin

Kay rami ng nagbago sa ating sarili

Ang nakaraan, ang dating tayo, hindi na maibabalik

Nandito ako sayo

Ngunit hindi ako ang nakikita mo

Bawat lapit at hakbang ko ika'y lumalayo

Susuko na ba ako at titigil sa pagsumamo

Mapapagod o lalaban, tanong ng puso ko

Pre-chorus

Chorus

Bridge:

Salamat sayo aking mahal

Sa pag-ibig na sana ay nagtagal

Lumaban ngunit hindi sapat

Ala-ala mo yan ang lagi kong hawak

Chorus (except last line)

Chorus

...Sana Nagustuhan mo itong simpleng regalo ko. This might not cost any cents but I am praying you would appreciate hearing what my heart says. God bless you dear! Happy happy birthday babob ko!


 
 
 

Comments


God is too wise to be mistaken
God is too good to be unkind
So when you don't understand
When don't see his plan
When you can't trace his hand
Trust His Heart...
Trust His Heart by Babbie Mason
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Twitter Icon
Never Miss a Post!

We both need to express what we feel..

Let it out and Pray. Everything will be fine. Keep the faith. God loves you!!!

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Twitter Icon

© 2023 by Extreme Blog. Proudly created with Wix.com

bottom of page