top of page
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Twitter Icon

Tula ko para sayo.

  • Writer: Mae Selades
    Mae Selades
  • Jul 17, 2017
  • 2 min read

Hayaan mo. Last na'to.

Nagsimula sa hi! May alam kba?

Na sumunod ay, oops! mahal na pala kita

Nagswimming sa pansol laguna at may paiyak iyak pa,

Yun pla, sisimulan ko nang mahalin ka.

Sa ospital, ako ay nagdonate ng dugo

Kahit nakadiet, hinimatay tuloy ako

Dala dala mo malaking Pink na Teddy bear

Nkakainlove, Dun sa baba ng paseo tower

Goma na araw pinipilit na gawing iba

Yung joke ni kuya konduktor nung papunta tau ng paquil laguna

Bagong kaibgan tayo ay may nkilala

At si aling veoli na nag asikaso sa atin mag isa

Huni ng ibon, ingay ng tuko at agos ng tubig

Ramdam na ramdam ang puso ko pumipintig

Dug dug, dug dug, sabi ng puso ko

Ang saya saya ko dahil mag kasama tayo

Araw araw na paglalakad sa ayala

Pagkain ng paboritong frenchfries ng mcdonald, walang sawa

Mga away sa kanto ng munisipyo ng muntinlupa

Pero di matutulog pag ang away di humupa

Sa splash Island tayo ay nagswimming,

At sa simpleng pagkain ng magnum

ramdam ko ang napakasarap mong lambing

Nagdala ng mcdonald sa loob ng krispy kreme

At napasubo sa pagbili ng juice, na pang yayamanin.

Mga Tampuhan noong byahe natin sa bicol

Never ko makakalimutan ung saya ntn sa inflatable

Island hopping kahit balat matostado

Ung ngiti mo sa larawan natin sa harap ng Mayon Volcano

Yung byahe nating laguna papunta kina ninang

Nagtulak ng sasakyan nung tumirik sa gitna ng daan

Sabay natin na pag sisimba sa baclaran at sa ibang simbahan

Dahil katabi ka, ang traffic ay diko naramdaman

Pagsama mo sa akin sa divisoria kada mag papasko

Yung kuntento at masaya ka sa simple kong regalo

Nakakamiss, lola's pancit at adobo

At ang pamilya mong tinanggap ako

Masaya akong naging parte ng pagtatapos mo

Nang matwag ang pangalan mo ay syang ligaya ko

Pagtulong sa thesis at pagsama sa laguna para sa mga rizalista

Ang pagkain natn ng tapsilog sa gilid ng kfc sa alabang khit gabi na

Haaai..mahal na mahal kita,

Na noon ay alam kong alam mo pa

Mamimis kong kumain ng kwek kwek sa kanto namin kasama ka

Higit sa lahat ang singsing ng pangako sa harap ng isang banko sa ayala

Di matatapos ang tulang ito kung lahat ay babalikan at iisa isahin ko,

Sana dumating ang isang araw magawan ko rin nang tono

Gusto ko lng sabihing salamat at naging masaya ako

Hindi man nag last pero habang buhay kong dadalhin to

Panu ba yan, hanggang dito na lang siguro ako

Aking sisikapin maglakad palayo sayo

Ang mahalaga'y sa huling pagkakataon aking nabalikan

Ang mga ala ala natin bago nya tuluyang palitan

Mahal kita babob ko, salamat dahil minahal mo ako

Tandaan mo, mahal ka ng Diyos at Wag na wag mo babaguhin ang malinis mong puso.


 
 
 

Comments


God is too wise to be mistaken
God is too good to be unkind
So when you don't understand
When don't see his plan
When you can't trace his hand
Trust His Heart...
Trust His Heart by Babbie Mason
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Twitter Icon
Never Miss a Post!

We both need to express what we feel..

Let it out and Pray. Everything will be fine. Keep the faith. God loves you!!!

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Twitter Icon

© 2023 by Extreme Blog. Proudly created with Wix.com

bottom of page